TUE training program swak sa atleta – Pineda

Sa patuloy na kampan­ya para sa malinis na sports at parehas na laro, nakipagtambal ang Southeast Asia Regional Anti-Doping Organization sa Philippine Sports Commission at Philippine National Anti-Doping Organization para sa ‘Therapeutic Use Exemption’ training program sa PICC sa Pasay bukas March 30.

The post TUE training program swak sa atleta – Pineda appeared first on Abante News Online.

tue training program swak sa atleta pineda - TUE training program swak sa atleta – Pineda
Abante 2019 Dr. Alejandro Pineda - TUE training program swak sa atleta – Pineda

Sa patuloy na kampan­ya para sa malinis na sports at parehas na laro, nakipagtambal ang Southeast Asia Regional Anti-Doping Organization sa Philippine Sports Commission at Philippine National Anti-Doping Organization para sa ‘Therapeutic Use Exemption’ training program sa PICC sa Pasay bukas March 30.

Hinayag kahapon ni project director at PHI-NADO board member Dr. Alejandro Pineda, na misyon ng 1-day seminar “na ituro sa national athletes, gayundin sa coaches, doctors, sports psychologist, nutritionists at sports administrators ang prinsipyo ng TUEs para sa mga manlalaro.”

Base sa regulasyon ng World Anti-Doping Agency,­ kailangang gamitin ang TUE kapag may sakit ang atleta o sa kondisyong nangangailangan ng medikasyon. Ibibigay sa player ang TUE kapag dapat uminom ng gamot, lalo na kung ang droga ay nasa WADA Prohibited List.

SI TUE Committee of Anti-Doping Singapore Chairman Dr. Chin Sim Teoh ang mangungunang mga tagapagsalita sa pagtalakay niya sa talaan ng mga pinagbabawal na gamot at impormasyon sa droga para suportahan ang TUE Committees.

Dadada rin si Vice-Project Coordinator Dr. Marion Rivera sa pana­naw niya para sa isyu, sa pamamahala at sa aplikasyon ng TUE gaya ni Pineda.

The post TUE training program swak sa atleta – Pineda appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *