Tsansa ni Margielyn sa Olympics lumabo

NAMEMELIGRONG hindi makasabak sa 2020 Tokyo Olympics si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal.

tsansa ni margielyn sa olympics lumabo - Tsansa ni Margielyn sa Olympics lumabo
ABANTE Tokyo Olympics margielyn didal skateboard - Tsansa ni Margielyn sa Olympics lumabo

NAMEMELIGRONG hindi makasabak sa 2020 Tokyo Olympics si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal.

Ito ay matapos malaglag sa No. 13 mula sa dating No. 10 sa world ranking si Didal matapos makalikom lang ng 14,630 accumulated points sa huling Olympic World Skateboarding Ranking na ibinahagi ng World Skate noong Setyembre 9.

Hindi nakalahok ang 20-anyos na skateboarder mula Cebu sa 5-star International Skateboarding Open sa Qingfeng, China noong Setyembre 3-8 dahil sa kawalan ng panggastos ng asosasyon.

Inaasahan pa itong bubulusok pababa matapos na tumapos lamang na ika-15 mula sa kabuuang 20 na nakapasok sa semifinals ng natapos na SLS World Championships Setyembre 19-22 sa Sao Paulo, Brazil.

Nagawa ng Cebuana na si Didal okupahan ang ikawalong puwesto pagpasok sa semifinal round ng Women’s Street Skateboarding subalit hindi nakakolekta ng pinaglalabanan na Olympic qualifying points upang makasama sa mga representante ng bansa sa susunod na taong Olympics.

Nagkasya lamang si Didal sa ika-15 puntos na malayo sa Top 10 na silya na may nakatayang puntos. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *