Training ng PBA, football bulilyaso

MAUUNSIYAMI ang pinaghandaang ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng mga Philippine Football League (PFL) club.

training ng pba football bulilyaso - Training ng PBA, football bulilyaso
abante basketball - Training ng PBA, football bulilyaso

MAUUNSIYAMI ang pinaghandaang ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng mga Philippine Football League (PFL) club.

Ito ay dulot na rin ng muling pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR, Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

Marso ay itinigil ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic.

Pero sa hirit na makapag-ensayo at inilabas na joint administrative order ay pinayagan ang PBA at PFL sa kanilang training session.

Unang pinayagan ang football club habang bukas sana, Agosto 6 magsisimula ang PBA ng training pero dahil sa dalawang linggong MECQ, naunsiyami ito.

Inurong ng 10-araw ang praktis sa basketball habang ang football ay sa ikatlong linggo na ng Agosto magsisimula ang kanilang ensayo. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *