Training ng mga student athlete pinayagan na

BUBUO ng isang technical working group (TWG) ang mga bumubuo sa Joint Administrative Order (JAO) na siyang gagawa ng isang komprehensibong guidelines bago tuluyang payagan na makabalik sa pagsasanay at training ang mga collegiate player at makapagbukas ang mga liga.

The post Training ng mga student athlete pinayagan na first appeared on Abante.

training ng mga student athlete pinayagan na - Training ng mga student athlete pinayagan na
abante training - Training ng mga student athlete pinayagan na

BUBUO ng isang technical working group (TWG) ang mga bumubuo sa Joint Administrative Order (JAO) na siyang gagawa ng isang komprehensibong guidelines bago tuluyang payagan na makabalik sa pagsasanay at training ang mga collegiate player at makapagbukas ang mga liga.

Ito ang ipinaliwanag kahapon ni Commission on Higher Education J. Prospero E. De Vera III, DPA, sa isinagawang virtual press conference kasama sina DOH Under Secretary Maria Rosario Vergeire, Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez at Games and Amusement Board Chairman Abraham Mitra.

Kasama din sa pulong si PSC-Philippine Sports Institute chief and National Training Director Marc Edward Velasco, PBA Deputy Commissioner Eric Castro, Pilipinas 3×3 Commissioner Eric Altamirano at Philippine Football League Coco Torre.

Sinabi ni De Vera na ang TWG ay bubuuin ng CHED, PSC, DOH at mga namamahala sa paritkular na sports na mga National Sports Associations (NSAs) upang mapagsama-sama ang lahat ng mga safety guidelines at health protocols sa bubuuin na guidelines na naayon para sa pagsasagawa ng mga collegiate training.

Kahapon din ay inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan na ng IATF na sa mga lugar na nasa ialim ng GCQ at MGCQ ang training ng mga student-athlete sa mga collegiate athletic association pero sa ilalim ng guideline ng Commission on Higher Education.

“Inaprubahan din ng IATF na sa mga lugar na nasa ialim ng GCQ at MGCQ ay pinapayagan na ang training ng mga student-athletes ng collegiate athletic associations subject sa guidelines sa ilalaim ng Commission on Higher Education. ‘Yung mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga team,” sabi ni Roque. (Lito Oredo)

The post Training ng mga student athlete pinayagan na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *