Toy For The Bigboy nanilat

MALAKING upset ang panalo ng dehadong si Toy For The BigBoy sa 25th MARHO Breeder’s Classic sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Linggo.

The post Toy For The Bigboy nanilat first appeared on Abante.

toy for the bigboy nanilat - Toy For The Bigboy nanilat
toy - Toy For The Bigboy nanilat

MALAKING upset ang panalo ng dehadong si Toy For The BigBoy sa 25th MARHO Breeder’s Classic sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite nitong Linggo.

Nabulaga ang outstanding favorite na si Obra Maestra nang bigla siyang lampasan ni Toy For The BigBoy papasok ng far turn.

Inunahan ni Silab si Obra Maestra sa largahan, pinilit ng huli na mauna pero malakas ang arangkada ng una.

Hinayaan ni Obra Mestra ang bandera at sumunod na lang ito habang si Toy For The BigBoy ay nagmamasid sa malayong tersero.

Pero papasok ng far turn habang kukuha ng unahan si Obra Maestra ay biglang bulusok ng winning horse na sinakyan ni class A rider O’Neal Cortez at nakalamang agad ito ng anim na kabayo.

Umoras si Toy For The BigBoy ng 2:11 minuto sa 2,000 meters. (Elech Dawa)

The post Toy For The Bigboy nanilat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *