Tony’s Love nambulaga

LUMABAS ang tikas ni Tony’s Love matapos manalo sa katatapos na 2020 Philracom 1st Leg 3YO Imported/Local Challenge sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Tony’s Love nambulaga first appeared on Abante.

tonys love nambulaga - Tony’s Love nambulaga
Karera 7 - Tony’s Love nambulaga

LUMABAS ang tikas ni Tony’s Love matapos manalo sa katatapos na 2020 Philracom 1st Leg 3YO Imported/Local Challenge sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Dismayado naman ang mga kareristang nakalagay ang pera nila sa liyamadong Sky Candy dahil hindi man lang ito nakitaan ng magandang takbo sa 1,600 meter race.

Ayon sa mga karerista ay nalula si Sky Candy sa sobrang bilis ng karera.

“Ang tutulin ng mga nakalaban ni Sky Candy kasi nakikita ko hirap sumabay sa backstretch pa lang kaya sabi ko talo,” kuwento ni Pablito Mananzala na isang beteranong karerista.

Nanood muna si Tony’s Love sa bandang likuran habang nasa unahan si American Factor.

Pilit na humahabol naman sa unahan sina Spuntastic at Wish Afan A Star.

Hindi nagbago ang puwesto papasok homestretch subalit kitang-kita ang malakas na remate ni Tony’s Love na nirendahan ni apprentice rider Pabs Cabalejo.

Nakakapit sa unahan ang winning horse sa rektahan bago tuluyang lumampas sa huling 50 metro ng karera.

Kinolekta ng owner ni Tony’s Love ang P600,000 na premyo habang P225,000 ang nakopo ng kuwadra ni American Factor sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Pangatlo si Spuntastic at pang-apat si Indy Bell. (Elech Dawa)

The post Tony’s Love nambulaga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *