Tony’ Love nagpakaba

BAHAGYANG kinabahan ang mga tagasuporta ni Tony’s Love nang ma-inquiry ito sa kanyang panalo sa 7th Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup Linggo sa Metro Turf, sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Tony’ Love nagpakaba first appeared on Abante.

tony love nagpakaba - Tony’ Love nagpakaba
karera 1 - Tony’ Love nagpakaba

BAHAGYANG kinabahan ang mga tagasuporta ni Tony’s Love nang ma-inquiry ito sa kanyang panalo sa 7th Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup Linggo sa Metro Turf, sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Sinilat ni Tony’s Love ang liyamadong si American Factor, pagkatawid sa meta ay biglang sumirena at nagkaroon ng “inquiry for first”.

Nangamba agad ang mga kareristang nakataya kay Tony’s Love dahil baka maudlot pa ang kanilang panalo.

Naging sanhi ng inquiry nang magkaroon ng aksidente sa largahan kung saan iniimbestigahan kung may kinalaman ang hinete ni Tony’s Love na si Pabs Cabalejo sa pagkakalaglag ni BZ Llarenas na rumenda kay In The Zone.

Pero makailang sandali ay idineklara rin na panalo si Tony’s Love at nakopo nito ang P210,000 na premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Dumating na segundo si American Factor, tersero si Palibhasa Lalake habang pang-apat ang Kick The Gear. (Elech Dawa)

The post Tony’ Love nagpakaba first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *