Tolentino top 3 asinta sa SEAG

ISA sa tututukan ng mga sports fan at mga Pilipino ngayong taon ang magiging kampanya ng bansa sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa November 21-December 2.

The post Tolentino top 3 asinta sa SEAG first appeared on Abante.

tolentino top 3 asinta sa seag - Tolentino top 3 asinta sa SEAG
abante bambol 1 - Tolentino top 3 asinta sa SEAG

ISA sa tututukan ng mga sports fan at mga Pilipino ngayong taon ang magiging kampanya ng bansa sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa November 21-December 2.

Taong 2019 nang mag-host ang ‘Pinas ng biennial meet para sa ika-30 edisyon nito kung saan dinaig ang 10 pang ibang bansa sa overall championship sa kinubrang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa 56 sports events.

Ilan sa maraming hinakot na gold ang national athletes mula sa arnis na may 14 gold, kasunod ang athletics na naka-11 at dancesport na mayroong 10.

Pumukaw sa marami kabayanihan ni surfer Roger Casugay, 24, na ginawaran ng Pierre de Coubertin Act of Fair Play Award ng International Fair Play Committee nang sagipin ng La Union native ang Indonesian opponent na si Arip Nurhidayat nang muntik malunod.

Isa sa nagpugay sa kanya si Indonesian President Joko Widodo na humanga sa kanyang kabayanihan kahit pa nakasalalay ang asinta niyang gold sa paligsahan.

Mahirap pantayan ang nakamit ng bansa sa SEA Games, pero kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino sa top three finish ng Pinoy athletes sa kabila na nag-Covid-19 noon pang Marso. (Janiel Abby Toralba)

The post Tolentino top 3 asinta sa SEAG first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *