Tolentino, Madayag hinagupit ang BaliPure

HINAGUPIT nina Kat Tolentino at Maddie Madayag ang BaliPure Purest Water Defenders para ibigay sa Choco Mucho ang 25-16, 25-12, 25-16 victory kahapon sa unang laro ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

tolentino madayag hinagupit ang balipure - Tolentino, Madayag hinagupit ang BaliPure
kat 3 - Tolentino, Madayag hinagupit ang BaliPure

HINAGUPIT nina Kat Tolentino at Maddie Madayag ang BaliPure Purest Water Defenders para ibigay sa Choco Mucho ang 25-16, 25-12, 25-16 victory kahapon sa unang laro ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Nanguna sa pangwawalis si Kat Tolentino nang pumalo ng 13 kills at 10 excellent digs para dalhin ang Choco Mucho sa ikalawang sunod na panalo at sikwatin ang 4-6 record.

Nakakuha rin ng magandang laro si Flying Titans head coach Oliver Almadro kay Maddie Madayag nang bumomba ito ng 10 spikes mula sa kanyang 11 total points sa laro para ipalasap sa Water Defenders sa 2-10 panalo-talo kartada.

“You know our team is very young. They really need a mature thinking on the court and we have to continue learning [in] every match,” wika ni coach Oliver.

Pinamunuan ni Menchie Tubiera ang opensa ng BaliPure matapos mag-isang maka-double digit sa koponan sa kanyang 11 points. (Aivan U. Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *