Tolentino, Choco Mucho titisurin ang BaliPure

Tolentino, Choco Mucho titisurin ang BaliPure

PAGAGANDAHIN pa ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang 3-6 panalo-talo marka sa pakikipagtipan kontra BaliPure alas-2 ng hapon sa pagpapatuloy ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

tolentino choco mucho titisurin ang balipure - Tolentino, Choco Mucho titisurin ang BaliPure
tolentino 6 - Tolentino, Choco Mucho titisurin ang BaliPure

Mga laro ngayon: (FilOil Flying V Centre)
2:00pm — Choco Mucho vs BaliPure
4:00pm — BanKo vs PetroGazz
6:00pm — Chef’s Classic vs Motolite

PAGAGANDAHIN pa ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang 3-6 panalo-talo marka sa pakikipagtipan kontra BaliPure alas-2 ng hapon sa pagpapatuloy ng 3rd PVL Open Conference 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Sentro ng atake ng Choco Mucho si Kat Tolentino na kumana ng career-high 33 points sa huling laban kontra Chef’s Classics at putulin ang kanilang limang-dikit na kabiguan.

Bukod kay Tolentino, aasa rin si coach Oliver Almadro kina AC Masangkay na gumawa ng 44 excellent sets at kay Bang Pineda na gumawa ng 25 excellent digs at 11 excellent receptions sa huling laban.

Handa naman itong tapatan ni Graziella Bombita upang tuldukan ang anim na dikit na talon g BaliPure na may 2-9 panalo-talo kartada.

Sa second game bandang alas-4 ng hapon ay paluan din ang BanKo Perlas at ang PetroGazz, habang banatan sa alas-6 ng gabi ang Chef’s Classics at Motolite. (Aivan U. Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *