Tolentino, Choco balik sa panalo

Tolentino, Choco balik sa panalo

TINULDUKAN ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang kamalasan matapos silang tulungan ni Kat Tolentino sa pagsugpo sa Chef’s Classic Lady Red Spikers, 32-34, 25-12, 23-25, 25-18, 15-11, sa first game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan kahapon.

tolentino choco balik sa panalo - Tolentino, Choco balik sa panalo
cho co mucho - Tolentino, Choco balik sa panalo

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Air Force vs Banko
4:00 p.m. – Chef’s Classic vs PetroGazz

TINULDUKAN ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang kamalasan matapos silang tulungan ni Kat Tolentino sa pagsugpo sa Chef’s Classic Lady Red Spikers, 32-34, 25-12, 23-25, 25-18, 15-11, sa first game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan kahapon.

Nagpasabog si Tolentino ng 36 points, 28 galing sa 28 attacks, kasama ang pamatay na backrow kill para tapusin ang five-game losing skid ng Flying Titans at ilista ang 3-6 record.

Tumikada pa si Tolentino ng limang service aces at tatlong blocks para makuha ang matamis na panalo at pasayahin ang nagbabalik laro ng si Bea De Leon.

Dahil sa talo, nanatiling bokya ang Chef’s Classic sa 10 laro.

Simula pa lang ay naging mainitan ang bakbakan ng Chef’s Classic at Choco Mucho kung saan natapos sa 34-32 ang first set pabor sa Lady Red Spikers na inangklahan ni Nieza Viray.

Hindi nagpabaya ang Flying Titans bumangon agad para sikwatin ang panalo sa set two at itabla sa 1-1 matapos silang pamunuan ni Tolentino. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *