TNT nalusutan! Wright, Phoenix lumapit sa Finals

Isang panalo na lang ang kailangan ng Phoenix para sa kauna-unahang Finals stint sa PBA.

The post TNT nalusutan! Wright, Phoenix lumapit sa Finals first appeared on Abante.

tnt nalusutan wright phoenix lumapit sa finals - TNT nalusutan! Wright, Phoenix lumapit sa Finals
tnt 9 - TNT nalusutan! Wright, Phoenix lumapit sa Finals

Ray Mark Patriarca

Isang panalo na lang ang kailangan ng Phoenix para sa kauna-unahang Finals stint sa PBA.

Ito’y matapos na pabagsakin ng Super LPG ang TNT Tropang Giga, 92-89, sa Game 3 ng semifinals match nitong Linggo.

Nagbuslo ng 25 points si Matthew Wright para sa Phoenix, kung saan nagsalpak ito ng limang tres.

Kay Wright din nanggaling ang pangdiin na puntos matapos na isalpak ang turn around shot para sa tatlong puntos na lamang, 22 segundo na lang ang nalalabi sa game clock.

Nanatiling matikas si Calvin Abueva na nag-ambag naman ng 24 points, 14 rebounds at six assists.

Nasayan naman ang 19 markers, 13 boards at six assists ni Bobby Ray Parks Jr. matapos bumagsak ang TNT sa 2-1 disadvantage.

Sa Miyerkoles ay may tsansa ang Phoenix na tapusin na ang best-of-five series.

The post TNT nalusutan! Wright, Phoenix lumapit sa Finals first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *