Tira ni Parks sablay, Alab lumapit sa hukay agaw-buhay!

NASA balag ng alanganin ang Alab Pilipinas matapos kapusin sa Hong Kong Eastern, 88-90, sa pagsisimula ng quarterfinal playoffs sa 2019 ASEAN Basketball League (ABL) Biyernes nang gabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

The post Tira ni Parks sablay, Alab lumapit sa hukay agaw-buhay! appeared first on Abante News Online.

tira ni parks sablay alab lumapit sa hukay agaw buhay - Tira ni Parks sablay, Alab lumapit sa hukay agaw-buhay!
Abante 2019 Parks - Tira ni Parks sablay, Alab lumapit sa hukay agaw-buhay!

Laro sa Abril 3:
(Southorn Stadium, Wan Chai, Hong Kong)
8:00pm – Hong Kong Eastern vs Alab Pilipinas

NASA balag ng alanganin ang Alab Pilipinas matapos kapusin sa Hong Kong Eastern, 88-90, sa pagsisimula ng quarterfinal playoffs sa 2019 ASEAN Basketball League (ABL) Biyernes nang gabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City sa Cebu.

Hindi naipasok ni 2-time local MVP Bobby Ray Parks, Jr. ang panabla sanang tira upang malasap ang talo at maghabol sa ma­tira-matibay na labanan na sunod na isasagawa sa homecourt ng kalaban sa Southorn Stadium sa Wan Chai, Hong Kong.

Nalusaw ang 15-point advantage ng Alab sa third canto kaya nanganganib na maagang mapatalsik sa labanan para sa titulo sa krusyal na Game 2 ng kanilang best-of-three series.

Isang tres ni Lau Tsz Lai mula sa pasa ni import O’Darien Bassett sa 29.6 segundo ng laro ang nagtulak sa Eastern sa 88-86 bago dinagdagan ito ni Marcus Elliot ng dalawa pa para sa apat na puntos na abante 90-86, may 13.9 segundo sa laro matapos na sumablay si Ethan Alvano para sa Alab Pilipinas.

Inilapit ni Renaldo Balkman ang Alab sa huling 10.6 segundo ng laro sa isang undergoal stab bago pinuwersa sa isang backcourt violation ang Hong Kong para sa tsansang itulak sa dagdag na limang minuto ang laro.

Gayunman, hindi nagawang ipasok ni Parks ang huling tira upang manganib na maagang mapatalsik sa labanan kung hindi nito magagawang ipanalo ang sunod na dalawang laro. (Lito Oredo)

The post Tira ni Parks sablay, Alab lumapit sa hukay agaw-buhay! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *