Tinalo Rays sa World Series: LA Dodgers kampeon!

MAKALIPAS ang higit tatlong dekada, balik sa Los Angeles ang World Series trophy.

The post Tinalo Rays sa World Series: LA Dodgers kampeon! first appeared on Abante.

tinalo rays sa world series la dodgers kampeon - Tinalo Rays sa World Series: LA Dodgers kampeon!
abante dodgers - Tinalo Rays sa World Series: LA Dodgers kampeon!

MAKALIPAS ang higit tatlong dekada, balik sa Los Angeles ang World Series trophy.

Nag-rally ang Dodgers para sipain ang Tampa Bay Rays 3-1 sa Game 6 nitong Martes sa neutral Globe Field Arena at naselyuhan ang unang titulo ng prangkisa sapul noong 1988.

Inihanay ng Dodgers ang trophy ng shortened 2019 season sa unang anim na koleksiyon, pang-anim din ng team mula nang mag-relocate sa LA mula Brooklyn noong 1957.

Nakakapit pa sa 1-0 lead ang Rays sa matikas na pitching ni starter Blake Nell, pero biglang binaligtad ng Dodgers ang kapalaran sa bottom sixth.

Matapos isurender ni Snell ang one-out single, nilabas siya ni Rays manager Kevin Cash na umaasang mapoprotektahan ng mga hugot sa bullpen ang lead.

Pero pinasalubungan ni Dodgers star Mookie Betts si reliever Nick Anderson ng double na nagsindi sa two-run rally nag naglagay sa LA sa unahan at hindi na bumitaw.

Naka-homer pa si Betts sa eighth para sa insurance run.

Pinagdiwang ng Dodgers ang seventh title hindi sa St. Petersburg o sa Los Angeles kundi sa Arlington, Texas na ginawang venue ng Series dahil sa pandemic.

Ang NBA legend at dating Los Angeles superstar na si Earvin ‘Magic’ Johnson ay part owner ng Los Angeles Dodgers. (VE)

The post Tinalo Rays sa World Series: LA Dodgers kampeon! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *