Tim Cone solb sa pakita ng Ginebra

KUNTENTO si coach Tim Cone sa inilaro ng kanyang Ginebra sa umpisa ng kanilang kampanya sa PBA Governors Cup.

tim cone solb sa pakita ng ginebra - Tim Cone solb sa pakita ng Ginebra
tim cone 2 - Tim Cone solb sa pakita ng Ginebra

KUNTENTO si coach Tim Cone sa inilaro ng kanyang Ginebra sa umpisa ng kanilang kampanya sa PBA Governors Cup.

Start-to-finish na umarangkada ang Gin Kings hanggang kumpletuhin ang 102-83 drubbing sa undermanned Alaska Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Total game daw, ayon sa coach.

“We moved the ball really, really well tonight and we hit a lot of our open shots,” ani Cone sa postgame interview. “We created a lot of open shots from our ball movement.”

Nagsalansan si Justin Brownlee ng 30 points, 22 rebounds, 5 steals at 4 assists.

Hindi nakalimutan ni Cone na banggitin ang aniya ay maangas din ang mga inilaro sa pangunguna ni Greg Slaughter na may 16 points at 8 rebounds.

Pati si Japeth Aguilar na nakapagsumite ng 8 points, 11 rebounds, 3 assists at 3 blocks bago lumabas at dumiretso ng ospital para patignan ang kaliwang mata na nasundot ng kakamping si Stanley Pringle sa kalagitnaan ng fourth.

Pinuri din ni Cone si Scottie Thompson na umangkla sa depensa kay Aces import Justin Watts at nalimitahan sa 22 points, mababa ng 18 sa output niya kontra Columbian Dyip sa 117-110 loss ng Alaska noong Biyernes.

“It wasn’t a Justin-dominant game,” giit ni Cone. “He obviously played well – he always plays well. But he wasn’t dominating. It was a real team effort tonight.” (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *