Tim Cone marunong ba mag-Tagalog?

Sinagot ng nag-iisang PBA chief statistician ang tanong na malamang ay nasa isip ng mga Ginebra fan.

The post Tim Cone marunong ba mag-Tagalog? first appeared on Abante.

tim cone marunong ba mag tagalog - Tim Cone marunong ba mag-Tagalog?
cone - Tim Cone marunong ba mag-Tagalog?

Sinagot ng nag-iisang PBA chief statistician ang tanong na malamang ay nasa isip ng mga Ginebra fan.

Sa ‘Facts Break’ segment ni Fidel Mangonon III sa ‘Sportalakan’, kinuwento nito kung may alam ba sa wikang Tagalog ang PBA winningest coach na si Tim Cone.

Saad ni Mangonon, dinahilan ni Cone na kaya hindi ito naging bihasa sa pagsasalita ng Tagalog kahit matagal na sa Pilipinas ay dahil kapag kinakausap siya ng mga Pinoy ay wikang Ingles pa rin ang ginagamit.

“You know why I don’t speak Tagalog? Because of people like you,” salaysay ni Mangonon sa sinagot sa kanya ni Cone noong tinanong niya ito kung bakit hindi fluent sa naturang wika.

Hirit naman ni Mangonon, nakakaintindi at marunong si Cone mag-Tagalog at madalas din itong mag-Taglish sa mga usapan.

Sey naman ni Sportalakan host Sarah Asido, susubukan niyang ma-interview ng Tagalog si Cone kapag bumalik na sa normal ang PBA. (RP)

The post Tim Cone marunong ba mag-Tagalog? first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *