Tiauson kampeon sa Cabuyao chess

MULING umugong si Recarte Tiauson nang magkampeon sa 8th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup na ginanap sa Activity Area, Centro Mall sa Cabuyao City, Laguna.

The post Tiauson kampeon sa Cabuyao chess appeared first on Abante News Online.

tiauson kampeon sa cabuyao chess - Tiauson kampeon sa Cabuyao chess
Abante Chess - Tiauson kampeon sa Cabuyao chess

MULING umugong si Recarte Tiauson nang magkampeon sa 8th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup na ginanap sa Activity Area, Centro Mall sa Cabuyao City, Laguna.

Kinalos ni 32-year-old Tiauson si International Master Petronio Roca sa fourth round habang nakalusot kay National Master Carlo Lorena sa fifth bago makipaghatian ng puntos kay United­ States Master Arjoe Loanzon sa sixth at final round para tumapos ng 5.5 points at makopo ang rapid crown plus top purse P12,000.

Lumanding sa second place si Victor Anas na may 5 points sapat para tanggapin ang P8,000 plus trophy.

Sina Loanzon, National Master Robert Arellano, Roca, Juman Marcelo at Fide Master Randy Segarra ay nakaipon ng tig-4.5 points para tumapos ng 2nd hanggang 7th place.

Ang ibang nakapasok sa top 10-circle ay sina 8th place Angel Tambong Jr. (4 pts.), 9th place Roberto Manguiob (4 pts.) at 10th place Dandel Fernandez (4 pts.).

Tinanghal na category winners, sina Marcelo (Top 1999), Manguiob (Top Senior), Leonard Raymond Reyes (Top New Comer), engr. Bren Sasot (Top 1899), Gregorio Artieda (Top Unrated), Edwin Sison (Top 1799) at Susan Grace Neri (Top Lady). (Elech Dawa)

The post Tiauson kampeon sa Cabuyao chess appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *