Thunder tameme kay Butler, Heat

BUMABALIK na ang dating tikas ni Miami Heat star Jimmy Butler kaya naman naitala nila ang impresibong 118-90 panalo laban sa Oklahoma City Thunder kahapon sa 2020-2021 NBA regular season game.

The post Thunder tameme kay Butler, Heat first appeared on Abante.

thunder tameme kay butler heat - Thunder tameme kay Butler, Heat
abante miami heat 1 - Thunder tameme kay Butler, Heat

BUMABALIK na ang dating tikas ni Miami Heat star Jimmy Butler kaya naman naitala nila ang impresibong 118-90 panalo laban sa Oklahoma City Thunder kahapon sa 2020-2021 NBA regular season game.

Nagtala si Butler ng 18 points at anim na assists para sa Eastern Conference defending champion Miami na napaganda ang karta sa 3-3.

“It’s all about being consistent,” saad ni Butler. “It’s all about stringing together good days.”

Tabla ang iskor sa 26 sa first canto pero kumalas ang Heat sa second para hawakan ang 14-point lead, 63-49, sa halftime.

Nakatuwang ni Butler sa opensa si Bam Adebayo na nagtala ng 20 puntos at walong rebounds, maging si Kelly Olynyk na nangamada ng 19 puntos at walong boards.

“We were all on the same page,” hayag ni Adebayo. “It was lob city today.”

Hindi nagpabaya ang Heat sa second half, malaki rin ang naitulong nina Duncan Robinson, Tyler Herro at Goran Dragic para manatili sa kanila ang bentahe hanggang sa matapos ang laban.

Kumana si Shai Gilgeous-Alexnader ng 18 markers para sa Thunder na nalasap ang pang-apat na kabiguan sa anim na laro. (Elech Dawa)

The post Thunder tameme kay Butler, Heat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *