Thumbs up

SALUDO ako kina Woman Fide Master (WFM) Sheerie Joy Lomibao-Beltran, Woman International Master (WIM) Cristine Mariano-Wågman at sportsman Kim Zafra na full support sa free registration online tournament ng kumpare nating si Arena Grandmaster (AGM) Marlon Bernardino sa kanya mismong ika-43 na kaarawan sa Agosto 5 sa lichess.org.

thumbs up - Thumbs up
GM Joey Antonio Grandmaestro 7 - Thumbs up

SALUDO ako kina Woman Fide Master (WFM) Sheerie Joy Lomibao-Beltran, Woman International Master (WIM) Cristine Mariano-Wågman at sportsman Kim Zafra na full support sa free registration online tournament ng kumpare nating si Arena Grandmaster (AGM) Marlon Bernardino sa kanya mismong ika-43 na kaarawan sa Agosto 5 sa lichess.org.

Sina WFM Joy at WIM Cristine ay maraming beses na kinatawan ang bansa sa pandaigdigang torneo partikular na ang World Chess Olympiad at Southeast Asian Games.

Parehong National Women’s Champion habang si G. Zafra ay Europe based gaming consultant na brainchild ng matagumpay na dinaos sa buwan ng Hunyo ang GM Darwin Laylo at GM Joey Antonio winner take all match.

Nagwagi si GM Laylo, 15-13, kontra sa inyong lingkod.

Si WFM Joy ay nakabase sa Edmonton, Canada, si WIM Cristine Rose sa Umea, Sweden habang si G. Zafra sa Tallinn, Estonia at Stockholm, Sweden.

Si New York, US based Grandmaster Mark Paragua ang itinanghal na kampeon kamakailan sa 1st Philippine Bullet Chess Championship.

Suportado ito nina NCFP chairman/president Rep. Prospero ‘Butch’ Arreza Pichay Jr. at NCFP executive director Atty. Cliburn Anthony Orbe.

Si GM Paragua ang nag co-champion din sa inaugural ng Baby Uno chess challenge.

Nakaungos ako sa tiebreak kay GM Paragua kaya naiuwi po natin ang korona ng 1st Baby Uno.

Hanapin natin ang kumpare nating sina AGM Marlon at G. Genghis K. Imperial, founder ng Bayanihan Chess Club.

Binabati natin ang ating kumpareng AGM Marlon ng advance happy birthday (August 5) at may bago na naman akong magiging inaanak dahil ang kanyang asawa na si Jolina Carangue Icao ay apat na buwan nang buntis. Congrats.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *