Thirdy Ravena napiling Sportsman of the Year

KINILALA sina basketball star Thirdy Ravena at swimmer Chloe Daos bilang mga GUIDON-Moro Lorenzo Sportsman at Sportswoman of the Year ng Ateneo de Manila University nitong Huwebes.

thirdy ravena napiling sportsman of the year - Thirdy Ravena napiling Sportsman of the Year
abante ravena 1 - Thirdy Ravena napiling Sportsman of the Year

KINILALA sina basketball star Thirdy Ravena at swimmer Chloe Daos bilang mga GUIDON-Moro Lorenzo Sportsman at Sportswoman of the Year ng Ateneo de Manila University nitong Huwebes.

Ang Moro Lorenzo citation ay pagkilala sa mga atleta “who have shown excellence and utmost dedication in their sport” mula sa Ateneo.

Si Ravena ang unang basketball player na nagwagi ng Sportsman of the Year award mula pa noong 2010 nang magwagi si Nonoy Baclao.

Sa kabilang dako, ito naman ang ikalawang beses ni Daos para sa Sportswoman of the Year citation, na nagwagi noong 2018 sa kanyang rookie year.

Nagwagi rin ang 20-year-old swimmer bilang Ambrosio Padilla Athlete of the Year ngayong taon.

Matatandaan na pinangunahan ni Ravena ang Blue Eagles sa kanilang 16-0 sweep sa UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament kung saan tinanghal ang mga ito bilang three-time champion dagdag pa ang three-time Finals Most Valuable Player ni Ravena.

Samantala, humakot rin ngayong season si Daos ng pitong gintong medalya sa UAAP Women’s Swimming para mapanatili ang kanyang walang bahid na record at may kabuuang 21 gold sa tatlong taon. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *