Thirdy galante kay mommy

SPOILED si mama.

thirdy galante kay mommy - Thirdy galante kay mommy
abante ravena - Thirdy galante kay mommy

SPOILED si mama.

Ganyan kung tratuhin ni basketball star Thirdy Ravena ang kanyang nanay nang hindi ito magdalawang-isip na ibigay ang kanyang hilig.

Sa Instagram story ng basketbolista ay inilatag nito ang senaryo kung paano siya napursiging bilhan ng limited item ang kanyang ina.

“Ma, lumabas na yung Billie Eilish X Takashi Murakami sa Uniqlo, ano yung gusto mong design?,” tanong ni three-time UAAP champion sa kanyang mother dear.

“Lahat,” prangkahan at walang gatol namang sagot ng kanyang nanay.

Dahil loving son, pinakyaw ni 23-anyos cager Thirdy ang lahat ng disenyo at may cheesy pabaon pa itong ‘’I love my mom”.

Sa ngayon ay nakatakdang maglaro si Thirdy sa Japan B.League nang kunin itong import ng koponang San-en NeoPhoenix. (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *