Terrence out na sa season

NALAGASAN pa nang isang mahalagang player ang limang sunod na nagtatanggol na kampeon na San Miguel Beer matapos ideklara na out of the season na ang dating naging two-time scoring champion na si Terrence Romeo dahil sa dislocated right shoulder.

The post Terrence out na sa season first appeared on Abante.

terrence out na sa season - Terrence out na sa season
ROMEO2 - Terrence out na sa season

NALAGASAN pa nang isang mahalagang player ang limang sunod na nagtatanggol na kampeon na San Miguel Beer matapos ideklara na out of the season na ang dating naging two-time scoring champion na si Terrence Romeo dahil sa dislocated right shoulder.

Sinabi mismo ni Beermen coach Leo Austria na anim hanggang walong linggo itong hindi makakapaglaro bunga ng tinamong injury sa laban kontra TNT Tropang Giga noong Biyernes matapos makabanggaan si Ryan Reyes.

Agad na lumabas sa court si Romeo na nasa second quarter pa lamang at hindi na nakabalik pa sa laro matapos itong tuluyang dalhin sa ospital.

Nabigo ang Beermen sa laban sa iskor na 88-107.

“Unfortunately, he’ll be out for the rest of the tournament because the diagnosis is that he’ll miss six to eight weeks to rehabilitate and strengthen his shoulder,” sabi ni Austria.

“Right now, our focus is to help him get back to his family. We’re trying to arrange how he can get home because he needs the support of his family. He’s very frustrated right now,” sabi ni Austria.

“Last night, we talked until 2 am. He was asking me ‘Coach, why me and why now?’ because he really prepared for this conference.”

Ikalawang manlalaro si Romeo na kinunsidera na out of the season matapos si Kevin Racal ng Alaska dahil sa ACL sa kanang tuhod habang day-to-day naman ang obserbasyon sa rookie ng TNT na si Kib Montalbo at si Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors. (Lito Oredo)

The post Terrence out na sa season first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *