Tenorio, Aguilar sasalang vs NLEX

MAGLALARO na para sa Barangay Ginebra San Miguel sina LA Tenorio at Japeth Aguilar, ayon mismo kay coach Tim Cone.

The post Tenorio, Aguilar sasalang vs NLEX first appeared on Abante.

tenorio aguilar sasalang vs nlex - Tenorio, Aguilar sasalang vs NLEX
abante la japeth - Tenorio, Aguilar sasalang vs NLEX

Mga Laro Ngayon:
(AUF Gym/Clark)
4:00pm — TNT vs Alaska
6:45pm — Ginebra vs NLEX

MAGLALARO na para sa Barangay Ginebra San Miguel sina LA Tenorio at Japeth Aguilar, ayon mismo kay coach Tim Cone.

Sa tweet ng veteran PBA writer na si Gerry Ramos ng Spin.ph, sinabi nitong “LA Tenorio and Japeth Aguilar are ready to go for Barangay Ginebra against NLEX on opening day of the PBA season restart as per coach Tim Cone.”

Kakalabanin ng Ginebra ang NLEX Road Warriors sa pagbubukas muli ng PBA 45th season sa bubble format sa AUF Gym sa Clark, Pampanga ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng upakan ng TNT at Alaska Aces sa unang laro ganap na alas-4 ng hapon.

Ayon kay Cone, matinding laban ang tiyak na ibibigay sa kanila ng NLEX sa pamumuno ni coach Yeng Guiao.

“We’re looking to have the edge that we can get,” sabi ni Cone.

Tingin naman ni Guiao, mahirap sabihin kung sino sa kanila ng Ginebra ang mas nakakalamang.

“Medyo mahirap hulaan. I’m not really sure. There’s a lot of intangibles, lots of unknowns,” sabi ni Guiao.

“It’s really difficult. It’s hard to say in this unique situation which nobody has experienced before.”

Aasa rin si Cone sa mga beteranong sina Stanley Pringle at Scottie Thompson maging sa mga bagitong sina Kent Salado, Arvin Tolentino at Jerrick Balanza habang masasagupa nito ang halos bagong balasa na koponan ng Road Warriors sa pamumuno nina Kiefer Ravena, Jericho Cruz, JR Quinahan, Philip Paniomogan at nagbabalik na si Kevin Alas. (Lito Oredo)

The post Tenorio, Aguilar sasalang vs NLEX first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *