Tenorio, Aguilar hahabol sa bubble

LATE papasok ng Clark bubble ang dalawa sa pamato ng Ginebra, sina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

The post Tenorio, Aguilar hahabol sa bubble first appeared on Abante.

tenorio aguilar hahabol sa bubble - Tenorio, Aguilar hahabol sa bubble
LA Tenorio at Japeth Aguilar - Tenorio, Aguilar hahabol sa bubble

LATE papasok ng Clark bubble ang dalawa sa pamato ng Ginebra, sina LA Tenorio at Japeth Aguilar.

Sumailalim sa appendectomy si Tenorio ilang araw pa lang ang nakakaraan.

Patapos pa lang daw ang rehabilitasyon ni Japeth mula sa dating injury na hindi tinukoy ng team.

Biyernes inaasahang darating sa Clark Freeport Economic Zone si Aguilar, pero pagpasok ay sasailalim muna sa swab testing at 48 hours na mandatory isolation sa kanyang kuwarto sa Quest Hotel.

Linggo na ang restart ng season ng PBA sa AUF gym, hindi pa sigurado kung may laro sa araw na ‘yun ang crowd darlings.

Ngayon o bukas pa ilalabas ang revised schedule pati ang official lineup ng 12 teams.

Sa Linggo rin inaasahang papasok sa Clark bubble si Tenorio, pero tulad ni Japeth ay kuwestiyonable sa restart opener.

Kapapanganak lang ng asawa ni Tenorio noong isang linggo, mayroon na silang baby girl. (VE)

The post Tenorio, Aguilar hahabol sa bubble first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *