Tautuaa, San Miguel alpas sa BlackWater

ITINAKAS ng nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer ang ikaapat na sunod nitong tagumpay matapos biguin ang Blackwater Elite sa overtime, 90-88, sa pinakaunang laban sa nakatakdang quadruple header na laro sa ginaganap na 2020 PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Complex sa Angeles, Pampanga kahapon.

The post Tautuaa, San Miguel alpas sa BlackWater first appeared on Abante.

tautuaa san miguel alpas sa blackwater - Tautuaa, San Miguel alpas sa BlackWater
abante moala tautuaa - Tautuaa, San Miguel alpas sa BlackWater

ITINAKAS ng nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer ang ikaapat na sunod nitong tagumpay matapos biguin ang Blackwater Elite sa overtime, 90-88, sa pinakaunang laban sa nakatakdang quadruple header na laro sa ginaganap na 2020 PBA Philippine Cup sa loob ng AUF Sports Arena and Cultural Complex sa Angeles, Pampanga kahapon.

Pinigilan ng Beermen sa natitirang 2:23 minuto ng dagdag na limang minuto sa paghahabol sa apat na puntos na bitbit ng Elite, 84-88, bago ibinuhos ang anim na sunod na puntos upang itala ang kabuuang ikalimang panalo sa loob ng pitong laro.

Nanguna si Moala Tautuaa sa Beermen sa tinipon na 26 puntos, 14 rebounds, 2 assists, 2 steals at 1 block bagaman krusyal ang limang sunod na puntos ni Chris Ross para agawin ang abante at selyuhan ng split sa free throw ni Von Pessumal ang panalo na nagtulak sa koponan sa ikaapat na puwesto.

Nag-ambag si Marcio Lassiter ng 12 puntos, 6 rebounds, 3 assists at 2 steals habang si Alex Cabagnot ay may 11 puntos, 10 kay Pessumal at 8 kay Ross.

Ilang pagkakataon ang nasayang ng Blackwater sa laro na pinakauna marahil sa buong mundo na nakapagsagawa ng apat na propesyonal na laro na pinakahuli sa natitirang 4.6 segundo upang mahulog sa 2-4 panalo-talo. (Lito Oredo)

The post Tautuaa, San Miguel alpas sa BlackWater first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *