Tatum, Smart, Celtics walastik

AYAW magpaawat sa opensa ni Jayson Tatum, sinabayan pa siya ng kakamping si Marcus Smart kaya nasilo ng Boston Celtics ang 102-99 panalo kontra defending champion Toronto Raptors kahapon sa Game 2 ng kanilang 2019-2020 NBA second round Eastern Conference playoffs.

The post Tatum, Smart, Celtics walastik first appeared on Abante.

tatum smart celtics walastik - Tatum, Smart, Celtics walastik
abante boston - Tatum, Smart, Celtics walastik

AYAW magpaawat sa opensa ni Jayson Tatum, sinabayan pa siya ng kakamping si Marcus Smart kaya nasilo ng Boston Celtics ang 102-99 panalo kontra defending champion Toronto Raptors kahapon sa Game 2 ng kanilang 2019-2020 NBA second round Eastern Conference playoffs.

Humarurot si Tatum ng 34 points para sa tulungan ang Celtics na ilista ang 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series.

Lubog ng 12 puntos ang Boston, pumutok ng limang tres sa fourth si Smart upang lalong umusok ang kanilang opensa at makuha ang importanteng panalo.

Nakapagtala ng 19 puntos si Smart, naging instrumento rin sa paghahabol ng Celtics si Kemba Walker na nag-ambag ng 17 marka habang 16 ang kinana ni Jaylen Brown.

Sa ipinakitang tikas nina Tatum, Smart at Walker posibleng makuha nila ulit ang panalo sa Game 3 ayon sa mga NBA analyst.

May 3-0 na ang Celtics laban sa Toronto sa NBA bubble na ginaganap sa Walt Disney World, kasama ang exhibition, at 5-1 sa kabuuan kasama ang regular season na nahinto noong Marso.

Si OG Anunoby ang namuno sa puntusan para sa Toronto, nakapagtala ito ng 20 points. (Elech Dawa)

The post Tatum, Smart, Celtics walastik first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *