Tatum pasiklab: Celtics vs Heat sa East Finals

TINULDUKAN ng Boston ang tangkang title repeat ng Raptors.

The post Tatum pasiklab: Celtics vs Heat sa East Finals first appeared on Abante.

tatum pasiklab celtics vs heat sa east finals - Tatum pasiklab: Celtics vs Heat sa East Finals
Celtics - Tatum pasiklab: Celtics vs Heat sa East Finals

TINULDUKAN ng Boston ang tangkang title repeat ng Raptors.

Sinikwat ng Celtics ang deciding Game 7, 92-87, Biyernes ng gabi para pumalaot sa Eastern Conference finals kontra nag-aabang na Miami Heat.

Si Jayson Tatum ang bumalikat sa Boston sa kinamadang 29 points, 12 rebounds at 7 assists, nag-ambag si Jaylen Brown ng 21 points at 8 rebounds.

Buong gabing walang makahiwalay sa magkatunggali, dikit pa pagkatapos ng three ,72-71, pabor sa Celtics.

Maliban kay Fred VanVleet, nanlamig ang starters ng Raptors at kinapos din ang ayuda nina Serge Ibaka at Norman Powell mula sa bench.

Inalat si Kyle Lowry, nagkasya lang ang kamador sa 16 points. Team-high na ang tinapos ni VanVleet na 20 points, may 13 points at 11 boards si Pascal Siakam.

Nagsumite si Ibaka ng 14 markers, 11 kay Powell. (VE)

The post Tatum pasiklab: Celtics vs Heat sa East Finals first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *