Tatum pagpag ng kalawang

MATAPOS ang mababang shooting performance sa kanilang unang laban, bumawi si Boston Celtics small forward Jayson Tatum kontra Portland Trail Blazers.

tatum pagpag ng kalawang - Tatum pagpag ng kalawang
abante jayson tatum - Tatum pagpag ng kalawang

MATAPOS ang mababang shooting performance sa kanilang unang laban, bumawi si Boston Celtics small forward Jayson Tatum kontra Portland Trail Blazers.

Pinangunahan ni Tatum ang Celtics kontra Trail Blazers, 128-124, sa pagpapatuloy ng NBA Bubble.

Kinalawang si Tatum kontra Milwaukee Bucks kamakailan kung saan dalawang field goal lang ang naipasok niya sa 18 tira para sa nakadidismayang five points.

Kontra Blazers naman, bumawi si Tatum sa pagsalansan ng 34 puntos sa likod ng 11-of-22 shooting.

Limang tres din ang sinalpak ni Tatum sa walong bitaw sa three-point area.

Bumanat naman si Utah Jazz star Donovan Mitchell sa ang bagong tabas na buhok ni Tatum na “gotta be the haircut @jaytatum0.”

Ayon naman sa tweet ni Celtics analyst Marc D’Amico, “Jayson Tatum says he had planned to cut his hair before the first game, but that his mom and grandmother asked for at least a game or two with the longer hair.” (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *