Tatum ibabartolina

SASAILALIM sa 10-14 araw na quarantine si National Basketball Association (NBA) star Jayson Tatum ng Boston Celtics bilang parte ng Covid-19 protocols, ayon sa ulat nitong Sabado ng The Athletic.

The post Tatum ibabartolina first appeared on Abante.

tatum ibabartolina - Tatum ibabartolina
abanet jayson tatum - Tatum ibabartolina

SASAILALIM sa 10-14 araw na quarantine si National Basketball Association (NBA) star Jayson Tatum ng Boston Celtics bilang parte ng Covid-19 protocols, ayon sa ulat nitong Sabado ng The Athletic.

Hindi naman binanggit kung nagpositibo sa nasabing sakit o itinuturing na close contact lang pa mapaghinalaang may pandemya ang 22-year-old, 6-foot-8 forward.

Hindi rin nakapaglaro si Washington Wizards guard Bradley Beal kontra Miami Heat nitong Linggo (Manila time) dahil sa health at safety protocols at contact tracing exposure kay Tatum.

Ditalye ni Shams Charania ng The Athletic, “This is part of health and safety protocols investigating potential exposure that occurred when Bradley Beal and Jayson Tatum were speaking in close proximity on the court postgame Friday night, sources said.”

May average si Tatum na 26.9 points at 7.1 rebounds sa 10 games.

Makakatapat ng Celtics (7-3), sa darating na Lunes ang Miami. (Janiel Abby Toralba)

The post Tatum ibabartolina first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *