Tatum, Celtics humihinga pa

AYAW pang umuwi ng Celtics.

The post Tatum, Celtics humihinga pa first appeared on Abante.

tatum celtics humihinga pa - Tatum, Celtics humihinga pa
abante tatum - Tatum, Celtics humihinga pa

AYAW pang umuwi ng Celtics.

Umiskor ng 12 pataas ang lahat ng starters, itinakbo ng Boston ang 121-108 panalo para tapyasin ang East finals lead ng Miami sa 3-2 nitong Biyernes.

Sa pangunguna ng 31 points, 10 rebounds at 6 assists ni Jayson Tatum, nakapuwersa ang Celtics ng Game 6 bukas.

May 28 points at 8 rebounds pa si Jaylen Brown, nagsumite si center Daniel Theis ng 15 markers at 13 boards. May 15 points si Kemba Walker, at mainam na 12-8-8 ang isinumiteng stat line ni Marcus Smart.

Nakapagsumite pa ng 10 off the bench si Gordon Hayward.

Humarabas ng 41-25 sa third quarter ang Celtics para baliktarin ang 58-51 halftime deficit tungo sa 92-83 lead papasok ng fourth.

Itinabla ng 3-pointer ni Smart ang iskor sa 60, sa unang pagkakataon ay inagaw ang manibela 62-60 sa lay-in ni Brown mula sa feed ni Walker. Hindi na bumitaw sa unahan ang Celtics.

Matapos kumana ng career-high 37 points noong Game 4, nalimitahan si Heat rookie Tyler Herro sa 14.

Nanguna ang 23 markers ni Goran Dragic sa Miami, may 17 points, 8 rebounds at 8 assists si Jimmy Butler. (VE)

The post Tatum, Celtics humihinga pa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *