Tats umapela kay Tolentino

UMAPELA ang National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) sa Philippine Olympic Committee (POC) na baguhin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa eSports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC).

The post Tats umapela kay Tolentino first appeared on Abante.

tats umapela kay tolentino - Tats umapela kay Tolentino
Tolentino - Tats umapela kay Tolentino

UMAPELA ang National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) sa Philippine Olympic Committee (POC) na baguhin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa eSports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC).

Ayon sa pangulo ng asosasyon na si Ramon ‘Tats’ Suzara, wala pang binasbasan ang IOC na International Federation para sa eSports.

Aniya, ang NESFP – hindi ang PESO – ang dapat maging NSA sa sport dahil ito ang nagsagawa, pumili at nagsanay na mga atletang sumikwat ng gintong medalya sa nakalipas na 2019 Southeast Asian Games na ginanap noong Disyembre sa Pilipinas.

“On behalf of the NESFP, I urgently seek a reconsideration of your decision to accredit the Philippine eSports Organization [PESO] as an associate member NSA for electronic sports instead of NESFP,” giit ni Tats sa sulat na may petsang Setyembre 2 para kay POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Tinanggap ng POC, sa virtual General Assembly nitong Agosto 29, ang PESO bilang kasapi – sa rekomendasyon ni Membership Committee head Bones Floro – sa kasunduang kaanib na sa International eSports Federation (IESF), na nagsasabing kinikilala na ng IOC.

Sa kabila nito, iginiit ni Suzara na walang pang basbas ang IESF sa IOC at hindi pa rin sa kasama ito sa Global Association of International Sports Federations (GAISF).

“This clearly does not comply with the captioned requirement under POC Membership Rules,” dagdag ni Suzara.

“There is no factual and legal basis for the accreditation of PESO as a POC member.” (Abante Sports)

The post Tats umapela kay Tolentino first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *