Tancontian bronze sa World Sambo

NAKAPAGWAGI muli ng tansong medalya ang Pilipinong sambo fighter na si Sydney Tancontian Sy matapos talunin si Evadne Huecas ng Spain, 2-1, sa mas mataas na kategorya na Women’s Senior 80+ kgs sa ginaganap na World Sambo Championships sa Novi Sad, Serbia.

The post Tancontian bronze sa World Sambo first appeared on Abante.

tancontian bronze sa world sambo - Tancontian bronze sa World Sambo
Tancontian - Tancontian bronze sa World Sambo

NAKAPAGWAGI muli ng tansong medalya ang Pilipinong sambo fighter na si Sydney Tancontian Sy matapos talunin si Evadne Huecas ng Spain, 2-1, sa mas mataas na kategorya na Women’s Senior 80+ kgs sa ginaganap na World Sambo Championships sa Novi Sad, Serbia.

Ang tansong medalya ay kabuuang ikalima na para sa 20-anyos mula Davao na si Tancontian-Sy sa pagsabak nito sa mga internasyonal na torneo.

Una naman itong nabigo sa labanan para sa katulad na medalya kay Kateryna Chovkhun ng Ukraine, 0-1, sa mas mababa subalit lehitimo nitong kategorya na Women’s Junior 80+ kgs class.

“Sydney fought well in the Junior Women +80 Category. She finished the match and lost to 2 penalties equivalent to 1 point. Lesson we learned with high-level competitions, having a Coach is crucial to the outcome of the game,” sabi ng ama at coach na si Paolo Tancontian. (Lito Oredo)

The post Tancontian bronze sa World Sambo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *