Tagumpay alay ni Calvin sa lola

MEDYO may kalawang pa ang unang minuto ni Calvin Abueva sa loob, pero tagumpay niyang naitawid ang unang laro sa PBA sapul nang patawan ng indefinite suspension 16 na buwan na ang nakakaraan.

The post Tagumpay alay ni Calvin sa lola first appeared on Abante.

tagumpay alay ni calvin sa lola - Tagumpay alay ni Calvin sa lola
calvin 4 - Tagumpay alay ni Calvin sa lola

MEDYO may kalawang pa ang unang minuto ni Calvin Abueva sa loob, pero tagumpay niyang naitawid ang unang laro sa PBA sapul nang patawan ng indefinite suspension 16 na buwan na ang nakakaraan.

Pasabog si Calvin ng near triple-double na 21 points, 13 rebounds at 7 assists. Mula sa field ay 6 of 14 ang 6-foot-3 forward, 9 of 11 sa free throw line sa 114-110 come-from-behind win ng Phoenix Super LPG kontra NLEX Lunes ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym sa hometown niyang Angeles City.

Ang kanyang lola Siony at limang anak ang nasa isipan ni Abueva sa unang laro mula noong June 2019.

Kelan lang ay inatake ang Lola Siony ni Calvin, nasa isang ospital sa Angeles City din pero hindi niya nadalaw. Ang lumabas sa bubble, hindi na makakabalik.

Tinawagan niya lang ang lola bago ang laro.

“Binigay ko ‘yung effort ko para sa kanya kasi she loves basketball,” wika ni Calvin.

Numero uno na fan daw niya ang lola.

“Kahit saan ako mapunta, saan ako mapadpad, ‘yan laging nakasunod sa akin,” anang utility man ng Fuel Masters.

Mukhang maamo na nga ang The Beast.

Nang bumagsak si NLEX forward Anthony Semerad, mabilis pang inalalayan ito ni Abueva para makatayo.

Hindi pa nagsisimula ang laro, todo-tawa na silang nagkakamustahan ni Asi Taulava. Kahit sa pakikipaggitgitan kay Kiefer Ravena, maya’t mayang nagtatawanan ang dalawa. (VE)

The post Tagumpay alay ni Calvin sa lola first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *