Tablado sa pondo ng PSC: Mga NSA na may unliquidated

Higpit sinturon muna ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglalabas ng pondo para sa mga national sports associations (NSAs) hanggang hindi natutugunan ang pagsusumite ng mga kailangang dokumento sa ginamit na tulong pinansiyal na nakabinbin bilang unliquidated account.

The post Tablado sa pondo ng PSC: Mga NSA na may unliquidated first appeared on Abante.

tablado sa pondo ng psc mga nsa na may unliquidated - Tablado sa pondo ng PSC: Mga NSA na may unliquidated
abante psc 1 - Tablado sa pondo ng PSC: Mga NSA na may unliquidated

Higpit sinturon muna ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglalabas ng pondo para sa mga national sports associations (NSAs) hanggang hindi natutugunan ang pagsusumite ng mga kailangang dokumento sa ginamit na tulong pinansiyal na nakabinbin bilang unliquidated account.

Ito ang nabatid Linggo kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, na aniya ititigil pansamantala ng ahensiya ang pagpopondo para sa mga asosasyon na hindi pa rin nakapag-liquidate sa hiniling na badyet bago pa isagawa at matapos ang 30th Southeast Asian Games PH 2019.

Bago pa ang SEA Games na isinagawa sa bansa, umaabot sa mahigit P100M ang unliquidated amount ng ahensiya na ipinamahagi sa mga NSAs para sa exposures, training camps at equipment ng mga national athlete simula sa paglahok sa Indonesia 18th Asian Games2018.

Inaasahan na mas lalong lumaki ang bilang ng nagamit na pondo ng mga NSAs dahil sa pagho-host ng bansa sa SEAG buhat sa pagbili ng mga kagamitan, pagsasanay sa labas ng bansa, at pagsali sa mga palaro sa abroiad ng mahigit na 900 atleta.

Hinirit pa ni Fernandez na desisyon ng PSC Board na atasan ang lahat ng NSAs na ayusin ang unliquidated account hanggang huling araw ng 2020.

“Starting the 1st of January, we will not give financial assistance to NSAs that have still unliquidated portions from their assistance,” sabi ni Fernandez.

Olbigado ang PSC na magsumite ng ulat sa Commission on Audit (CoA). (Lito Oredo)

The post Tablado sa pondo ng PSC: Mga NSA na may unliquidated first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *