Swab test ng mga PBA player iniliban

Linggo ng gabi nag-desisyon ang pamahalaan na ibalik sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine ang Metro Manila umpisa ngayon, Aug. 4.

swab test ng mga pba player iniliban - Swab test ng mga PBA player iniliban
abante pba - Swab test ng mga PBA player iniliban

Linggo ng gabi nag-desisyon ang pamahalaan na ibalik sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine ang Metro Manila umpisa ngayon, Aug. 4.

Kahapon, Lunes ng umaga, nag-desisyon ang PBA na i-postpone ang naka-iskedyul na sanang swab testing ng players sa Aug. 6-7.

“Ipapa-move namin testing natin,” ani commissioner Willie Marcial.

Dahil sa bagong mas mahigpit na quarantine level bunga ng dumaraming kaso ng COVID-19, nabitin din ang balik-ensayo ng PBA na dapat ay sa Aug. 10 o 11 na uumpisahan. Bahagi ng guidelines para makabalik sa ensayo ang swab testing.

Sa ilalim ng MECQ, sarado ang gyms at fitness centers kaya mananatili ring naka-padlock ang practice facilities at hindi makakapag-workout ang players.

“Naiintindihan natin na para ito sa kaligtasan ng mga mas nakararami kaya kailangan nating sumunod,” dagdag ng commissioner. “Ang gusto lang natin, maging parte ng solusyon at hindi ng problema.”

Titingnan muna kung ano ang sitwasyon pagkatapos ng dalawang linggo bago mag-desisyon din ang PBA.

Posibleng pagkatapos ng Aug. 18 ituloy ang swab testing at isusunod ang workout. (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *