Super Suwerte paningit lang

NANGANGAMBA ang mga panatiko ni Super Suwerte dahil nasa reserve list lang ito sa magaganap na Presidential Gold Cup na pasisibatin sa Disyembre 27 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Super Suwerte paningit lang first appeared on Abante.

super suwerte paningit lang - Super Suwerte paningit lang
karera 1 - Super Suwerte paningit lang

NANGANGAMBA ang mga panatiko ni Super Suwerte dahil nasa reserve list lang ito sa magaganap na Presidential Gold Cup na pasisibatin sa Disyembre 27 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Umabot sa 15 kabayo ang naghayag ng pagsali sa nasabing prestihiyosong karera at 14 lamang ang maaaring makasali.

Nitong Lunes ay nag-post ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng resulta ng bolahan para sa PGC at nalungkot ang ibang karerista dahil wala sa listahan si Super Suwerte.

“Nanghihinayang ako kay Super Suwerte kasi magaling na kabayo at malaki ang chance niyang manalo sa PGC,” wika ni Jerry Corpuz na palaging nasa pista para manood ng ensayo ng mga kabayo.

Pero may tsansang makasali si Super Suwerte kung may ma-scratch sa mga kasali bago ang Disyembre 21.

Ang pagkakahilera ng mga kasali sa PGC ay sina Summer Romance, Electric Truth, Union Bell, Super Sonic, Wonderland, Victorious Colt, Princess Eowyn, Heneral Kalentong, Shanghai Grey, Boss Emong, Pangalusian Island, Patong Patong, Toy For The BigBoy at Real Gold. (Elech Dawa)

The post Super Suwerte paningit lang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *