Super Sonic ensayado

Ilang araw na lang at ilalarga na ang pinakahihintay ng mga karerista na paghaharap ng mga matitikas na kabayo sa Presidential Gold Cup Championship.

The post Super Sonic ensayado first appeared on Abante.

super sonic ensayado - Super Sonic ensayado
kabayo 8 - Super Sonic ensayado

Ilang araw na lang at ilalarga na ang pinakahihintay ng mga karerista na paghaharap ng mga matitikas na kabayo sa Presidential Gold Cup Championship.

Bibitawan ang nasabing prestihiyosong karera sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite kung saan ay idedepensa ni Super Sonic ang kanyang c.

Bagama’t wala pang official lineup, naniniwala ang mga karerista na bukod kay Super Sonic ay kasali rin si Heneral Kalentong sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Nakaraan lamang ay gumawa ng kasaysayan si Heneral Kalentong matapos walisin ang tatlong leg ng Triple Crown.

“Magandang laban ‘yan sana pati si Super Suwerte ay makasali para powerhouse talaga ang lineup,” masayang sabi ni Louie Cortez, racing aficionado.

Ngayong araw malalaman ang mga kasali sa PGC pero tiyak na kasali na rin sina Princess Eowyn at Boss Emong.

Nakaraan lamang ay sumabak sa trial race sina Super Sonic, Princess Eowyn at Boss Emong, patunay lamang na naghahanda ang mga ito sa malaking karera. (Elech Dawa)

The post Super Sonic ensayado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *