Sumo wrestler tigok sa labis na katabaan

PUMANAW na sa napakabatang edad na 21-anyos ang isang Russian sumo wrestler na minsan ding tinaguriang “world’s heaviest boy”.

The post Sumo wrestler tigok sa labis na katabaan first appeared on Abante.

sumo wrestler tigok sa labis na katabaan - Sumo wrestler tigok sa labis na katabaan
baboy 4 - Sumo wrestler tigok sa labis na katabaan

PUMANAW na sa napakabatang edad na 21-anyos ang isang Russian sumo wrestler na minsan ding tinaguriang “world’s heaviest boy”.

Hindi nabanggit ang dahilan ng pagkamatay ni Dzhambulat Khatokhov pero ayon sa ilang report, may kaugnayan ito sa sakit niyang kidney na sanhi naman ng labis nitong katabaan.

Ibinalita ni Betal Gubzhev, pangulo ng Sumo and Mass Wrestling Federation sa Kabardino-Balkaria, ang pagkasawi ng batang wrestler.

Tumitimbang lang ng anim na libra si Kahtokhov nung ito ay ipinanganak subalit umakyat agad ito sa 28 pounds pagsapit ng unang kaarawan nito.

Nang tumuntong ito sa siyam na taong gulang, umabot na sa lampas 300 pounds ang kanyang bigat.

Laman ng iba’t ibang balita at dokumentaryo si Khatokhov habang ito ay nagkakaedad dahil maraming eksperto ang nagsasabing magiging maikli lamang ang buhay nito sanhi ng pagiging overweight.

Lumalaban at nananalo si Khatokhov sa mga nilalahukang sumo wrestling competition maging sa arm wrestling (bunong braso) nung ito ay nabubuhay pa. (Ferdz Delos Santos)

The post Sumo wrestler tigok sa labis na katabaan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *