Suelo hari sa Rapid Chess

NAGHARI si FM elect Robert Suelo., Jr. sa katatapos na March edition ng ASEAN Chess Academy (ACA) 2019 Open Rapid Chess Tournament na ginanap noong Linggo sa Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore. Nakalikom si 1996 Philippine Junior champion Suelo ng perfect six wins sapat upang iuwi ang titulo at bigyan muli ng karangalan ang […]

The post Suelo hari sa Rapid Chess appeared first on Abante News Online.

suelo hari sa rapid chess - Suelo hari sa Rapid Chess
Untitled 3 38 - Suelo hari sa Rapid Chess

NAGHARI si FM elect Robert Suelo., Jr. sa katatapos na March edition ng ASEAN Chess Academy (ACA) 2019 Open Rapid Chess Tournament na ginanap noong Linggo sa Bukit Timah Shopping Centre sa Singapore.

Nakalikom si 1996 Philippine Junior champion Suelo ng perfect six wins sapat upang iuwi ang titulo at bigyan muli ng karangalan ang Pilipinas.

Ang mga sinagasaan ni Suelo ay sina FM Qing Aun Lee ng Singapore, Pinay WIM Jan Jodilyn Fronda, Deng Tiangle ng China, Joshua Juaneza ng Philippines, Jonathan Auyeung ng Singapore at Alex Chan ng Singapore sa sixth at final round.
Nagtatrabaho bilang chess teacher sa Singapore, tinulungan ni Suelo ang Rizal Technological University (RTU) para makopo ang titulo sa National Championships ng National Inter-Collegiate sa kalagitnaan ng dekada 90.
Samantala, nagpakitang-gilas sina Hao Ren Chua at Jien Hao Ian Zachary Soon ng Singapore matapos kapwa nagkamada ng 5.5 points at sungkitin ang top honors sa Challengers section.

The post Suelo hari sa Rapid Chess appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *