Standhardinger sasabak vs Shaw

SI Maurice Shaw ang oldest sa 45 hopefuls na natawag noong December sa PBA Draft.

The post Standhardinger sasabak vs Shaw first appeared on Abante.

standhardinger sasabak vs shaw - Standhardinger sasabak vs Shaw
stan - Standhardinger sasabak vs Shaw

Mga laro ngayon (AUF gym)

4 pm – Phoenix vs. Meralco

6:45 pm – Blackwater vs. NorthPort

SI Maurice Shaw ang oldest sa 45 hopefuls na natawag noong December sa PBA Draft.

Second pick overall ng Blackwater si Shaw.

Edad 35 na ang 6-foot-9 Fil-Am, bentahe niya na kahit newbie, beterano nang maglaro.

Tatasahan si Shaw sa umpisa ng kampanya ng Bossing sa Philippine Cup restart sa AUF gym sa main game mamaya. Makakasagupa nila ang NorthPort ni coach Pido Jarencio.

Brusko rin ang center na produkto ng Hutchinson Community College sa Kansas, at nagamit niya dati ang 260-lb frame sa pakikipagbalyahan sa football sa NFL.

Sa kabilang banda, babalik sina Christian Standhardinger at Sean Anthony para banderahan ang Batang Pier. Hindi sumama sa Clark bubble si Robert Bolick para maatupag ang pagpapagaling mula knee injury.

Pang-record books ang PBA restart, ayon kay Jarencio.

“History ‘to. Pagtanda natin pag-uusapan pa rin ‘to, na nagkaroon ng pandemic. PBA nag-bubble tapos part tayo,” anang coach. “Part tayo ng history. Hindi ito mawawala sa Google, Wikipedia.” (Vladi Eduarte)

The post Standhardinger sasabak vs Shaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *