Standhardinger ‘niluluto’ sa Magnolia, Ginebra

HINDI lang mga koponan ang naghahanda sa inaasahang magaganap na palitan ng mga player ngayong baging taon.

The post Standhardinger ‘niluluto’ sa Magnolia, Ginebra first appeared on Abante.

standhardinger niluluto sa magnolia ginebra - Standhardinger ‘niluluto’ sa Magnolia, Ginebra
Christian Standhardinger 1 - Standhardinger ‘niluluto’ sa Magnolia, Ginebra

HINDI lang mga koponan ang naghahanda sa inaasahang magaganap na palitan ng mga player ngayong baging taon.

Sa darating na Enero 4, inaasahang papayagan na muli ng liga ang mga team na magsagawa ng trade matapos itong masuspinde dahil sa coronavirus pandemic.

Maugong na ang ilang usap-usapan patungkol sa pag-trade ng players sa ibang koponan kabilang pa ang haka-haka ng mga fan na mag-eempake na si stalwart Christian Standhardinger paalis NorthPort Batang Pier.

Ayon sa mga bali-balita, mag-aalsabalutan na si Standhardinger patungong Magnolia Hotshots o kaya naman sa panig ng Barangay Ginebra.

Magugunita noong 2019, wagi bilang Best Player of the Conference ang 31-year-old big man para sa PBA Governor’s Cup.

Matuloy man o hindi ang pag-trade kay Standhardinger, tunay namang magiging ‘alas’ ng koponan ang nasabing basketbolista. (Abante Sports)

The post Standhardinger ‘niluluto’ sa Magnolia, Ginebra first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *