Spunk Attack atake sa Condition race

Spunk Attack atake sa Condition race

SA pitong karerang hinain ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ay inaasahang aabangan ng mga liyamadista ang takbo ni Spunk Attack.

spunk attack atake sa condition race - Spunk Attack atake sa Condition race
horse 3 - Spunk Attack atake sa Condition race

SA pitong karerang hinain ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ngayon sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite ay inaasahang aabangan ng mga liyamadista ang takbo ni Spunk Attack.

Maganda ang ipinakitang performance ni Spunk Attack sa nakaraang takbo nang manalo sa Group Race category 8 sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.
Nakapagtala si Spunk Attack ng 1:21.2 tiyempo sa 1,300-meter race.

Sasalang si Spunk Attack ngayong gabi sa Condition Race Merged category 10 na pasisibatin sa pangatlo karera, muli siyang rerendahan ni class A rider JA Guce.

“Single ko ‘yan winner take all na gagawin ko, sa ganda ng itinakbo nakaraan tingin ko mananalo ulit,” nakangiting sabi ni Angelo Barcenilla, mananaya.

Makakalaban ni Spunk Attack sina Be Humble, Expecto Patronum, Big Boy Vito, Forest Cover, Kickback at Exhilarated. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *