Speeding Hero humarurot

IPINAKITA ng dehadong si Speeding Hero ang tikas nito sa rematehan matapos manalo sa MARHO – Purefoods Trophy Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

The post Speeding Hero humarurot first appeared on Abante.

speeding hero humarurot - Speeding Hero humarurot
horse 4 - Speeding Hero humarurot

IPINAKITA ng dehadong si Speeding Hero ang tikas nito sa rematehan matapos manalo sa MARHO – Purefoods Trophy Race nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Pumuwesto sa tersero si Speeding Hero paglabas ng aparato, nasa unahan niya sina The Believer at San Rafael na nag-uubusan ng lakas.

Papasok ng far turn ay kumukuha na ng unahan si San Rafael pero agad na bumuntot si Speeding Hero upang agawin ang bandera papasok ng home turn.

Sakay si former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessi B. Guce, mag isa na lang sa unahan si Speeding Hero at tinawid nito ang meta ng may tatlong kabayo ang distansiya sa sumegundong Claudia’s Pride.

Nagtala ng tiyempong 1:31 sa 1,400 meter race si Speeding Hero sapat upang hamigin ni Yani Magno ang added prize na P5,000 para sa winning horseowner.

Dumating na tersero si Himpapawid habang pang-apat ang liyamadong Bulletproof na sinakyan ni apprentice jockey PO Refe. (Elech Dawa)

The post Speeding Hero humarurot first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *