Space Jam pang-Pick 5

May 12 Philracom Rating Based Handicap System ang ilalarga ngayong araw ng Linggo sa Metro Turf sa Malvar sa Batangas.

The post Space Jam pang-Pick 5 first appeared on Abante.

space jam pang pick 5 - Space Jam pang-Pick 5
Philracom 2 - Space Jam pang-Pick 5

May 12 Philracom Rating Based Handicap System ang ilalarga ngayong araw ng Linggo sa Metro Turf sa Malvar sa Batangas.

Mapapalaban ang mga kabayong Space Jam at Del Monte sa unang karera kontra 12 pang kalahok dahil sa added prize na P5,000 na kukubrahin ng winning horse owner.

Suportado ng Philippine Racing Commission, nakalaan din ang P25,000 na ikakalat sa top four na kabayo.

Rerendahan ni class A jockey JPA Guce si Space Jam habang si Lester De Jesus ang gagabay kay Del Monte na posibleng maging liyamado sa laban.

“Mahirap na karera ang race 1 kaya baka tatlo hanggang apat na kabayo ang kukunin agad para maka-isang puntos agad sa Pick 5,” hayag ni Art Concepcion, karerista na taga-Mandaluyong.

Ang ibang kalahok ay sina Mas Sexy, Deeper, Miss Rosario, Heirloom, Sekretong Malupit, Say Something, Goldbar, Jolo’s Pride, Bonifacio, Sky Plus, Et Tu Brute at Chesapeake Bay. (Elech Dawa)

The post Space Jam pang-Pick 5 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *