Sotto, Gilas Youth napalaban na

BINALATAN na ng Gilas Pilipinas Youth ang kampanya sa 2019 FIBA World Cup Under-19 kaninang madaling-araw, unang hinarap sa Group C ang host Greece sa Heraklion.

The post Sotto, Gilas Youth napalaban na appeared first on Abante News Online.

sotto gilas youth napalaban na - Sotto, Gilas Youth napalaban na
Abante Gilas 1 - Sotto, Gilas Youth napalaban na

By: Vladi Eduarte

BINALATAN na ng Gilas Pilipinas Youth ang kampanya sa 2019 FIBA World Cup Under-19 kaninang madaling-araw, unang hinarap sa Group C ang host Greece sa Heraklion.

Binanderahan ni Kai Sotto ang Nationals, kasama si AJ Edu. Pinakabata sa squad ni coach Sandy Ares­pacochaga si Sotto, ipinanganak noong 2002 at pinakamatangkad sa 7-foot-2.

Kasama ng dalawa sina Dalph Panopio, Gerry Abadiano, Shaun Chiu, Terrence Fortea, Carl Tamayo, Xyrus Torres, Migz Oczon, Dave Ildefonso, Rhayyan Amsali at debutante sa national team na si Fil-Australian James Spencer.

Isa sa pambato ng Greece si 16-year-old Iosif Koloveros na nag­laro sa Olympiacos sa Greek A1 league. Nag-average siya ng 9.0 points, 3.7 rebounds, 2.6 assists at 2.0 steals sa 2018 FIBA U16 European Championship.
Naroon din sina Giorgis Arnokouros, Fotis Georgalas, Perikilis Bazinas at Aristotelis Sotiriou na naggiya sa Greece sa titulo ng FIBA U16 European Championship 2017.

Mamayang madaling-araw (Lunes, 1 am), ay isinunod ng Filipinos ang Argentina na gigiyahan ni center Francisco Caffaro.
Isa pang markado si Juan De La Fuente, gold medalist ng ng Youth Olympic Games sa Buenos Aires noong isang taon.

The post Sotto, Gilas Youth napalaban na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *