Solero delivery boy muna

HINDI lang para sa ehersisyo ang pagbibisikleta ni MPBL player James Solero ng Pasay Voyagers, gamit niya rin ito para sa paghahanapbuhay.

The post Solero delivery boy muna first appeared on Abante.

solero delivery boy muna - Solero delivery boy muna
James Solero - Solero delivery boy muna

HINDI lang para sa ehersisyo ang pagbibisikleta ni MPBL player James Solero ng Pasay Voyagers, gamit niya rin ito para sa paghahanapbuhay.

Kamakailan lang ay nag-trending ang litrato ni Solero nang maispatan itong naging taga-deliver ng Food Panda. “Kaya ko po naisip mag-Food Panda dahil po sa gusto ko makatulong ako sa magulang ko kahit papano,” pahayag nito sa panayam ng Abante.

Mula kasi noong Pebrero ay hindi na nakabalik-aksyon si 6-foot-1 small forward Solero matapos maligwak sa quarterfinals ng 3rd MPBL Lakan Season kontra defending champion San Juan Knights.

Upang mapanatiling maganda ang pangangatawan kasabay ng paghahanapbuhay para kumita ay ginawa niyang ‘side-training’ ang pagbibisikleta sa Food Panda.

“Na-adjust ko sarili ko kasi nakakapag bike ako at na-exercise ko na rin katawan ko,” dagdag pa nito.

Bagama’t may pagsubok na pinagdaraanan si James ay nagawa pa rin nitong palakasin ang loob ng mga kababayang apektado ngayon sa krisis.

“Sana huwag kayo mawalan ng pag-asa. Tuloy ang dasal natin para matapos na ang pandemic na ito,” aniya. (Aivan Episcope)

The post Solero delivery boy muna first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *