So sablay na sa korona

Nakuntento lang si super Grandmaster­ Wesley So sa draw upang manatili sa pang-apat na puwesto sa 2019 USA Men’s Chess Championship sa Saint Louis, USA.

The post So sablay na sa korona appeared first on Abante News Online.

so sablay na sa korona - So sablay na sa korona
Abante Chess - So sablay na sa korona

Nakuntento lang si super Grandmaster­ Wesley So sa draw upang manatili sa pang-apat na puwesto sa 2019 USA Men’s Chess Championship sa Saint Louis, USA.

Nakipaghatian ng puntos si 25-year-old So kay GM Samuel Sevian matapos ang 54 moves ng Giuoco Piano para makalikom pa lang ng anim na puntos matapos ang 10th at penultimate round.

Sunod na makakalaban ni Imus, Cavite native pero Estados Unidos na ang kinakatawan si GM Liang Awonder sa final round ng event na may 12-player single round robin.

Tatlo ang magkasalo sa top spot na sina GMs Hikaru Nakamura, Leinier Dominguez Perez at world’s No. 2 Fabiano Caruana.

Malabo na kay So na masilo pa ang korona dahil may isang laro na lang, ang mataas na matutungtungan na lang niya ay second place pero panigurado na may makakasalo rin ito, at pagbabasehan ang sasakop doon via tiebreak points.

Si So ay dating Phili­ppine chess star, pero lumipat sa US fede­ra­tion may limang taon na ang nakalipas.

The post So sablay na sa korona appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *