SMC-PSA Awards Night sa Marso

MULING pararangalan­ ang mga top sports achiever sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa darating na Marso sa Manila Hotel.

smc psa awards night sa marso - SMC-PSA Awards Night sa Marso
psa 6 - SMC-PSA Awards Night sa Marso

MULING pararangalan­ ang mga top sports achiever sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa darating na Marso sa Manila Hotel.

Highlight sa annual awarding handog ng Milo, Cignal TV at Phili­ppine Sports Commission (PSC) ang awarding­ ng Athlete of the Year na ipagkakaloob ng country’s oldest media organization sa pamumuno ni president Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin.

Para sa 2019, dinomina ng mga Filipino athlete ang ilang international tournament sa iba’t ibang paligsahan.

Tinanghal ang Team Philippines bilang overall champion sa Southeast Asian Games sa ikalawang pagkakataon matapos ang 42 taong paglahok sa biennial meet habang ibinandera naman ni Carlos Yulo ang bansa nang tanghalin bilang first Filipino at gymnast mula sa Southeast Asia na nagkapag-uwi ng historic gold medal sa 49th Artistic Gymnastics­ World Championships sa Stuttgart, Germany. (JAT)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *