Smart Mover bigo kay Rainbow Peak

NAKIPAGTAGISAN ng bilis si Rainbow Peak sa liyamadong si Smart Mover upang sikwatin ang panalo sa Three-Year-Old Maiden Race Huwebes ng gabi sa santa Ana Park sa Naic, Cavite.

smart mover bigo kay rainbow peak - Smart Mover bigo kay Rainbow Peak
horse racing 5 - Smart Mover bigo kay Rainbow Peak

NAKIPAGTAGISAN ng bilis si Rainbow Peak sa liyamadong si Smart Mover upang sikwatin ang panalo sa Three-Year-Old Maiden Race Huwebes ng gabi sa santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Pagkakuha ni Smart Mover ng unahan sa largahan ay kinapitan agad siya ni Rainbow Peak at hindi hindi tinantanan ang mahigpit na karibal.

Patuloy ang bakbakan nina Smart Mover at Rainbow Peak hanggang sa huling 400 metro ng karera.

Subalit sa rektahan ay sinunggaban na ni Rainbow peak ang unahan at tinawid ang meta ng may apat na kabayo ang agwat sa nasegundong si Smart Mover.

“Maganda salida ni Rainbow Peak kaya nilabanan na namin ng isahan si Smart Mover,” saad ni class B rider JL Santiago.

Tumersero si Momentum habang pumang-apat si Maharot.

Dahil sa panalo ni Rainbow Peak, nasilo ng owner na si MC Habla ang karagradagang premyong P10,000. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *