Slaughter poste ng Gilas Pililinas

GAHOL na sa panahon kaya binibilisan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-ayos ng mga requirement para mabigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ensayo ng Gilas Pilipinas.

The post Slaughter poste ng Gilas Pililinas first appeared on Abante.

slaughter poste ng gilas pililinas - Slaughter poste ng Gilas Pililinas
abante gilas - Slaughter poste ng Gilas Pililinas

GAHOL na sa panahon kaya binibilisan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pag-ayos ng mga requirement para mabigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ensayo ng Gilas Pilipinas.

Kulang na sa oras dahil sa susunod na buwan magsisimula ang FIBA Asia Cup Qualifiers.

Problemado rin si SBP program director Tab Baldwin sa pagbuo ng team dahil hindi makakasali ang pro players sapagkat naglalaro na ang mga ito sa PBA bubble.

May posibilidad na masali sa team si dating Barangay Ginebra slotman Greg Slaughter.

Makakaharap ng Gilas sa qualifying ang powerhouse South Korea at perennial SEA Games title contender Thailand.

“Players are ready to play, but are we allowed to play as a team? That is the question that we are wai­ting for an answer up to this point,” hayag ni special assistant to SBP president Ryan Gregorio sa programang Sports Page.

Malabo rin ang tsansa ni former UAAP Finals MVP Thirdy Ravena na makalaro dahil kasalukuyang may kontrata ito sa San-en NeoPhoenix sa Japanese B.League. (Elech Dawa)

The post Slaughter poste ng Gilas Pililinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *